Bill Gates, Gumamit Ng Porsche Habang Nagtaksil Sa Kanyang Asawa?

Kapag ang isang lalaki ay biglaang bumili ng dagdag na mamahaling sasakyan, pinaniniwalaan na isa lamang yan sa dalawang bagay: Niloloko niya ang kanyang asawa o lolokohin niya pa lang. Maari naman na hindi palagiang ganito ngunit malamang ito ang nasa isip ng isang hindi makabili ng ganoong sasakyan.

Hinihinalang ito ang ginagawa ni Bill Gates ayon sa ilang mga ulat sa World Wide Web. Ang nangyayari, umaalis siya papunta sa kanyang trabaho gamit ang isang S Class Mercedes at isa sa kanyang empleyado ang magdadala ng isang Golden-Brown Porsche para magamit niya sa araw ding iyon. Hindi pa masabi kung ano ang eksaktong modelo nito pero ayon sa mga balita, katulad daw ito ng nasa larawan:

Ang asawa ni Bill Gates sa loob ng 27 taon at ang ina ng kanilang tatlong anak , na si Belinda ay nag-file na ng divorce noong Mayo. Ilang araw lamang pagkalipas noon ay naungkat ang relasyon ni Bill sa isa sa kanyang mga empleyado sa pagsisiyasat na rin ng board ng kumpanya bago siya bumaba sa pwesto. Ayon na rin sa mga local interviews sa mga tauhan nito, nahahalata na nila yon lalo na noong may mga di umano’y off-site meetings na noo’y hindi naman talaga nakaschedule.

Mayroong iba na itinatanggi ang mga spekulasyon at nagsasabing masyado nang busy si Bill para magkaroon pa ng oras sa kanyang di umanoý kerida. Sa totoo niyan, kung magloloko ka, magloloko ka. Kung ang isang makapangyarihan na tao gaya ni Bill Gates ay nagagawang magpalit pa ng sasakyan para sa kanyang ‘sidechick’, masasabing ang mga lipstick sa kwelyo, amoy ng pabango ng isang babae o kahit isang mamahaling sasakyan ay maituturing na mga palatandaan ng pambababae sa panahon ngayon.

Hindi ako maaring magsalita para kay Bill ngayon ngunit sa masasabi ko na ang pagbili niya ng mamahaling sasakyan para lamang magloko ay isang malaking kalokohan. Maaring hilig lamang talaga nila bumili ng mga ganitong uri o sadyang marami lang talaga siyang perang pambili. Ngunit para sa lahat ng gumagawa ng mga ganito at nagpapamigay ng mga mamahaling bagay at luho para lamang makakuha ng iba’t ibang babae, mahiya kayo!

Ang tunay na lalaki, hindi kailangan ng mamahaling sasakyan o gawin ang iba pang makaluhong bagay dahil hindi ito sukatan ng pagiging mabuting asawa. Kung magloloko man ang iyong asawa o nobyo, gagawa at gagawa iyan ng paraan kahit sira-sira pang sasakyan ang gamit niyan.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published. Required fields are marked *